KABANATA 3
“TABEEEEEEEEH!”
Isang mahaba at malakas na sigaw ang umalingawngaw sa buong resort habang tumatakbo si Lax patungo sa tubig, sabay lumusong. Itong si Lax talaga, parang ngayon lang nakakita ng dagat.
“Lax! Hoy damuho! Bumalik ka dito’t itatayo mo pa ang tent!”, sigaw ni Watts, ang girlfriend ni Lax. Unique ang couple na ‘to. Si Lax, laking Cebu, pero bihira sa dagat. Lumipat lang siya ng Baguio nang maisipan niyang seryosohin ang pagaaral. Si Watts, nagaaral sa Baguio pero lumipat ang pamilya niya sa Cebu dahil doon nalipat ang kanyang ama bilang Branch Manager ng Toyota Cebu. Nagkasalisihan pero nagkatagpo parin, ika nga. Si Lax ang marunong sa gawaing bahay. Si Watts, ultimo magwalis e hindi marunong, laking-mayaman kasi. Hanggang balikat ang haba ng buhok ni Lax. Hindi namin alam kung tinatamad lang magpagupit o kasapi ito sa isang di-kilalang tribo. Si Watts naman ay “sporty” ang gupit. Hindi rin “Lax” at “Watts” ang tunay nilang pangalan. Si Lax, “Jose Angelo Qumidan Paras”. “Jose” dapat ang palayaw, ginawa naming “Pepe”, tulad ng kay Ka Jose Rizal, hanggang sa naging “Peping”, “Peps”, “Ping”, “Panfilo”, “Lacson”, at sa wakas, “Lax”. Si Watts naman, “Camille de Padua Araniego”, “Cammy” ang palayaw, ginawa naming “Cams”, binaligtad at naging “Smac”, tapos “Smacks”, “Kiss”, “Mary Jane” – dahil sa legendary na halik nila ni Spider-Man - , “MJ”, “Watson” at sa ngayon, “Watts”.
“And’yan na po!”, patawang balik si Lax, habang naglalakad pabalik sa shed at tumutulo ang tubig mula sa kanyang mahabang buhok na tila nagmukhang damong-dagat dahil sa halo ng tubig at buhangin. Nang dumating ay ipinagpag pa nito ang sarili na parang aso para mabasa si Watts.
“Antipatiko ka hayop!”, sigaw ni Watts habang pinupunasan ang mukha. Lumapit naman si Lax at marahang hinalikan ito sa pisngi. Napangiti ng bahagya si Watts. “Huwag na huwag kang tatabi sa’kin mamayang gabi, matulog ka doon sa van!”, panakot na banta ni Watts.
Ganoon lang sila. May kulitan, minsan may murahan, may pikunan pero hindi nagaaway. Hindi pa yata sila nagaaaway kahit kailan, kahit noong magkaibigan palang sila, eh magtatatlong taon na sila sa susunod na buwan. Sila ang modelo namin. Marunong maging magkaibigan kahit magkasintahan. Hindi nawawala ang saya ng pagkakaibigan.
“Boss, Gatorade…”
Napatingala ako habang pinagiisipan ang dalawang magkasintahang naghaharutan sa harapan ko. Nakita ko ang pamilyar na matamis na ngiti na kani-kanina lang ay katabi ko sa sasakyan.
“Thanks Aja…”, sabay abot sa boteng iniabot.
“Guys… Joel, Jess, buwelta tayo. May parking space doon sa may cottage. Baka mapagalitan tayo ng guard”.
Hindi ko alam kung bakit ko ginawa iyon, kung bakit bigla kong tinawag ang dalawa. Nginitian lang ulit ako ni Aja nang tumayo ako at kinuha ang susi ng sasakyan sa aking jacket.
“Iniiwasan ko ba si Aja…?”, naisip ko sa sarili habang papunta sa nakaparadang sasakyan.
Magkakasunod kaming tumungo sa parking lot. Ipinarada namin ang mga sasakyan malapit sa entrance. Doon lang kasi kasya ang tatlong sasakyang magkakatabi. Mahirap na kapag magkakahiwalay, baka may sira-ulong mandisgrasya sa isa.
Habang nagmamaniobra ako paatras, may napansin akong nakaparadang van. Nakabukas ito at sa loob, may tatlong babaeng naka-shorts at bra top. Mukhang mga bakasyunista rin katulad namin. Si Jess naman, nakaupo parin sa loob ng sasakyan. Nakataas ang bintana para hindi siya makitang nakatitig sa mga nag-gagandahang babae sa loob ng van. Binusinahan ko si Jess. Napatingin ang mga babae at akala’y sila ang binubusinahan ko. Kumaway ang mga loka.
“Tara Jess, setup muna tayo doon…”, yaya ko. Hindi ako pinansin ni Jess kaya binusinahan ko ulit. Daglian niyang itinaas ang kanyang kanang kamay na parang nagsasabing, “Mga pare, I’m busy. Una na kayo, susunod ako…”. Mukhang nagugustuhan niya ang kanyang nakikita. Itong si Jess talaga. Hindi na nagbago. Naturingang playboy noong high school. Akala namin ay nagbago na ito nang makilala ang kasintahan. Maraming lalaki ang nagalit nang siya ang sagutin ni Alex. Marami-rami rin ang nanligaw kay Alex. Minsan, noong bagong dating siya sa Baguio, anim kaagad ang nanligaw sa kanya sa department nila. Nag-umpisang manligaw si Jess noong napasama si Alex sa barkada. Sinagot naman siya nito sa loob ng tatlong buwan. Kung tutuusin, napakasuwerte ni Jess kay Alex. Maganda na si Alex, napakagalante pa. Mabait, mapagkakatiwalaan at tapat. Kahit sila na ni Jess, mayroon paring mga nanliligaw sa kanya. Mga mas mayayaman, mas makikisig, mga mas magagandang lalaki kay Jess. Pero ni minsan hindi binigyan ng pagkakataon ni Alex ang mga ito. Tapat siya kay Jess. Si Jess naman ay parang walang alam sa tunay na halaga ni Alex.
“Magsisisi ka rin, Jess…”, pabulong kong nasumbat. Kinuha ko ang wallet at cellphone ko at lumabas. Matapos i-lock at pindutin ang alarm ng sasakyan, nagtungo na ako sa grupo.
“Bakit ganoon…?”, naisip ko. “Bakit siya nawala sa akin… inalagaan ko naman siyang mabuti. Ibinigay ko lahat ng gusto niya, lahat ng hiling niya. Sinuklian ko lahat ng lambing niya sa akin… pero bakit parin siya nawala…? It’s unfair…” Napatayo ako sa lilim ng kubo. Isinuot ko ang dalang shades dahil medyo naluluha na ang mga mata ko. Oo, masakit parin. Oo, hanggang ngayon ay nagluluksa parin ako sa pagkawala ng babaeng pinakamamahal ko. Hanggang ngayon, nasasaktan parin ako habang naaalala ko ang lahat, habang nakikita kong masaya ang ibang mga tao sa piling ng iba at samantalang ako ay hindi ko mapagaling ang sugat.
“Siguro hindi ako ang magpapagaling… “, nabulong ko na lamang sa sarili ko.
Pagdating ko sa grupo, nakaset-up na ang tent na paglalagyan ng mga gamit habang nasa beach kami. Dinala na ni Joel, Ulo at Lax ang mga bag sa cottage. Binuksan ko ang cooler para kumuha ng tubig nang my mapansin akong babaeng nakaupong mag-isa sa buhangin. Lumapit ako at umupo sa tabi niya.
“Peach, ano problema?”
Si Peachy. Katya Gutierrez. “Peachy” ang tawag namin sa kanya dahil siya ang pinakabata sa amin. Cute kasi ang pangalan, eh cute din ang batang ito.
“Kuya…”, sabay napasinghot.
“Shhh, bakit? Ano’ng problema?
Inilabas niya ang kanyang cellphone. Nag-dial ng numero at pinindot ang call. “The subscriber cannot be reached. Please try again later. The subscriber cannot be reached…”, narinig kong sabi ng recording ng cellphone niya. Tinatawagan niya si Matthew, boyfriend niyang naiwan sa Baguio. Hindi siya nakasama, kesyo may tatapusin daw na term paper. Ilang buwan na nilang pinagplanuhang sumama pero noong isang lingo lang ay biglang umatras ito.
“Kuya ayaw naman macontact si Matt. Kanina nagriring pero hindi niya sinasagot… tapos I tried again when we got here, ‘cannot be reached’ na siya… kuya ano kaya…”
Nararamdaman kong nagpapanic na si Peachy. Si Matthew, limang taong mas matanda sa kanya. Apat na buwan palang sila magkasintahan. Seryoso na sa buhay at sa relasyon si Matt. May pagka-demanding si Peachy. Gusto niya palagi niyang kasama si Matthew. Ayaw niyang nagiging malapit si Matthew sa ibang babae, lalo na kapag hindi sila magkasama. Kapag hindi nito macontact ang cellphone ng boyfriend, tatawag ito sa ina ng lalaki at sa kanya hahanapin ang kasintahan. Ma-PDA si Peachy. Bata pa kasi, mga bagong karanasan ang nararamdaman sa isang relasyon. Hindi ko rin masisisi si Matthew. Alam ko kung bakit hindi ma-contact ni Peachy ang cell ni Matthew. Umiiwas siya. Hindi na niya kaya ang pagiging demanding ni Peach. Hindi lang niya alam kung paano tatapusin ang lahat dahil kahit papaano ay mahal din niya si Peach.
“Shhh… don’t worry too much. Siguro namatay ang battery or walang signal sa kanila. Diba taga-Irisan siya? Eh mahina ang signal doon diba?”
“Baka galit siya kuya kasi sumama parin ako dito…”
Kumikirot ang puso ko. Hindi ko masabi ang katotohanan kay Peachy. Nasasaktan akong itago sa kanya ang katotohanan. “Ito ang mga bagay na dapat mong matutunang mag-isa, Peach…”, naisip ko sa sarili ko, na may halong dasal na sana ay maisip din niya ang naiisip ko. Bata pa siya. Labingwalong taon palang si Peachy. Katatapos lang niyang mag-debut. Marami pa siyang dadaanan. Marami pa siyang makikilala. Marami pa siyang mararanasan. Inakbayan ko siya at hinimas ang likod para tumahan na siya.
“We’ll be going back home in a couple days, Peach. Huwag ka mag-alala masyado. Just try to enjoy your time here. Malay mo may makikilala ka rin na bagong lala-…”
“Kuya naman!”, sambat niya. “Don’t say that! I know Matt trusts me and I trust him. I didn’t come here to look for boys…”
“Joke lang, Peach. Gusto lang naman kita pangitiin e. I’m sorry, okay? Di na mauulit, promise…”, patawa kong hingi ng tawad. Oo, gusto kong may makilala siyang bago. Ka-edad niya. Kapareho niya ng interes. Kapareho niya ng hangad sa buhay. Masyado pa siyang bata para humarap sa mga seryosong problema naming mga mas matatanda.
“C’mon, magbihis ka na. Try again later baka macontact mo na siya, alright?”
Tumayo kami mula sa pagkakaupo. Nagpahila pa siya patayo at ipinagpag ang buhanging kumapit sa kanyang damit. Maya-maya lang ay nakikipagbiruan na ito sa mga ibang kabarkada namin. “Bata ka pa, Peach. Marami ka pa matututunan… you’re still too naïve…”, huling isip ko habang naghuhubad ng jersey upang makapagpahid ng sunblock lotion. Parang kapatid ko na iyang si Peach. Dahil kay Peach natuto akong makipagkaibigan sa mga babae at maging malapit sa kanila. Sa kanya ko nakuha ang aking “feminine touch”, ika nga. Nakapagbihis na ako at hihiga sana sa recliner upang magpahinga nang makita ko si Aja sa dulo ng aking mata. Nakatingin siya sa akin. Malungkot na tingin. Parang may gustong sabihin o gawin pero hindi niya makaya. Naramdaman ko ang lungkot niya… ang paghahangad. Doon ko naramdaman ang damdamin niyang pinaghihintay niya sa akin. Doon ko naalala ang sakit, ang pakiramdam ng pagpunit ng babae sa harapan mo ng isang liham ng pag-ibig na sadya mong ginawa para sa kanya. Ibinaba ko ang shades ko at pumikit, pilit na tinatanggal ang malungot niyang imahen sa isip ko.