LS Reg #007, Series of 2005

Posted on 4:47 AM, under

“Gcng k p… üü?”

Di mo ineexpect ang text na yun. Magha-hatinggabi na. Nananahimik kang nanunuod ng TV sa sala nang biglang marinig mo ang “Master, I have mail for you…” na tone ng cellphone mo (tru-tones ‘to pre… hi-tech na cellphone).

Natigilan ka kasi unidentified yung number ng sender. “Sino kayang kumag ang mangi-inis ng ganitong oras?” naisip mo nang may halong inis at tuwa (dahil may nakaalala sa’yo). Idinial mo yung number. Narinig mo ang ringback nyang ubod ng baduy, sabay pindot ng end button. “Bumawi ka, leche ka…”, panakot mong inisip.

Nag-ring ang cellphone mo. Saglit lang. “1 Missed Call”, sabi sa screen mo. Nag-return call ka. Saglit din lang.

Bumawi siya. Sa asar mo siguro, nagpilitan kang gumastos ng piso sa text.

“Cno 2?!?”

“Ang sungit m nman… :-( “

Naalala mo yung araw kahapon. Nasa klase ka, 2nd period mo. Nakaupo ka lang at nagbabasa ng notes mo nang bigla siya dumating. Si Tin. Nakasuot siya ng damit na akala mong babagay lang sa mga mannequin na nakatayo sa mga tindahang nadadaanan mo sa SM. Nakalugay ang buhok niya, kumukumpas sa bawat galaw ng kanyang katawan. May hawak siyang pink na panyo sa kanyang marikit na kamay. Dumaan siya sa harapan mo at dumiretso sa kanyang upuan. Matapos ibaba ang kanyang mga dalang libro, tumuloy siya sa isang grupo ng mga babae at nakihalubilo sa mga ito. Narinig mo ang kanyang pagtawa. Parang isang matamis na sipol ng hanging dumadaloy sa mga dahon ng bulaklak sa hardin. Naisip mo… “Ang tunog ng pangalan ko sa mga labi niya…”, na malamang ay hinding hindi mo maririnig kahit kailan.

Natapos ang 2nd period at nakaupo ka parin habang pinagmamasdan ang kanyang likod… ang kanyang leeg… ang kanyang mga hikaw na parang mga mumunting diamanteng tumutulo sa tuwing ikaw ay umiiyak. Habang pinagmamasdan mo siya, parang napapaluha ka dahil sa mala-perpektong pagkagawa sa kanya ng Diyos. “Pinagpaguran ka siguro ng Lord…”, naisip mo.

Nag 2nd bell na. Tumayo siya’t umalis ng classroom para puntahan ang kanyang susunod na klase. Habang nakaupo ka, nakaramdam ka ng pagkahalong lungkot at pagkasabik… lungkot dahil wala na siya sa paningin mo, at pagkasabik dahil sa pag-asang makikita mo siya ulit kinabukasan. Napahinga ka ng malalim, tumayo at tumungo sa pinto. Nang mapatingin ka sa kanyang dating kinauupuan, may napansin ka. May naiwang panyo sa upuan. Ang kanyang panyong kulay pink na maayos na nakatiklop.

Hindi ka natuwa.

Hindi ka namangha.

Lumakas ang tibok ng puso mo.

Bumilis ang paghinga.

Lumingon ka sa lahat ng direksyon para makita kung may ibang nagmamay-ari ng panyong ito. Inabangan mong bumalik si Tin para kunin ang naiwang panyo. Limang minuto ang lumipas…sampung minuto…walang Tin na bumalik.

Nanginginig ang iyong mga daliri nang pulutin mo ang panyo, at parang isang di namalayang galaw, iniangat mo ito at nilanghap ang amoy ng tela… “Si Tin nga… kay Tin nga ito….”.

“Anjan k p…?”

Biglang nalipat ang isip mo sa isang katatanggap na text galing sa parahong taong bumulabog sa’yo.

“Cno k? Ano kelangn m?”

“Nangungmsta lng…klala m ko, d m lng ako npapancn…”

“I nid names, nt details.”

“Bk kc mgalt k lng pg nlaman m kng cno tlg ako…”

“Bhla k.”

Medyo napipikon ka na sa kakulitan ng taong ito. Nawalan ka na ng ganang manuod ng TV kaya pinatay mo na ito at umakyat sa kuwarto mo. Humiga ka sa kama at nag-isip kung ano ang pwedeng gawin kinabukasan. “Buti nalang at walang pasok bukas…”, naisip mo habng unti-unting napipikit ang mata mo sa antok.

“Glit k b? m sowee :-( “

“Nakhumputsa naman,…”,
naisumbat mo sa inis.

“Look, ano b kelangn m? Gbi n a!”

“I hav sumthin 2 ask… mlakng bgy ung hhlingin ko sau… jz tel me kng ayw m…il undrstnd…”

“Ano un?”

“Cn u mit with me 2mrw?”

“What?”

“Dnt wori, lyk I sed, klala m ko. I jz wnt 2 talk wth u abt sumthin…kng ayw m, k lng…”

Sa inis mo, naisip mong sakyang ang hinihingi ng taong ito. “Iindyanin ko nalang. Bakit, sino ba kasi siya?”, pagpaplanong isip mo.

“Fyn. Wer n when?”

“Lets mit at SM nlang, il w8 4 u at koffia, k lng…?”

“Very well.”

“And 1 mor thing…”


“Ano nnman un?”

“Pls bring my hankie with u…“


| edit post

1 Reply to "LS Reg #007, Series of 2005"

  • happyLizzie on 8:06 PM

    sabi pala ni mama e di masaya ka na raw... :) kasama ko xang binasa 'to e... :D