Nakahanap ako ng paraan para kumita ng pera.
Mag i-introduce ako ng produkto sa mercado – kahit ano’ng produkto – at tatawagin ko ito’ng “BRAND X”.
Kapag may mga advertisements na ikukumpara ang kanilang mga produkto sa BRAND X, e.g. NIDO Full Cream Milk vs. BRAND X, idedemanda ko sila for unfair competition and damages. Habang tumatagal, ie-expand ko ang production ko para sa 25 pa na produkto: Brands A-Z. Humanda kayo.
What’s with us Pinoys and love teams?
Nakakita lang ng artistang babae na may kausap na artistang lalaki, gagawan na ng intriga. (HEADLINE: Mr. Actor, may pag-asa nga ba sa puso ni Ms. Actress?) Kapag may anak ang dalawang Pinoy couples, at nagkataon naman na lalaki at babae ang mga anak nila (respectively), palaging ico-consider na magkakatuluyan ang dalawa. Kawawang mga bata.
We Pinoys have the constant need to reaffirm our identity to the world over and over again. Kapag may foreign celebrity na bumisita dito sa Pilipinas, ang mga palaging tinatanong eh, “How do you find the
Mukhang obsessed pa rin ang mga Pilipino sa pagpasok sa Guinness Book of Records. Magtitipon-tipon ang isanlibong nangungulangot para matanggap ang titulong “Highest number of nose pickers ever assembled in the world”.
Masyado rin possessive ang Pinoy. Kapag may isang sikat na celebrity na may ginawang kababalaghan (read: accomplishment), at kahit na .025% lang ang Filipino blood nito, aangkinin na natin, iimbitahin sa Pilipinas, ipaparada sa Malacanang at bibigyan ng award. Usually bibigyan pa ng movie opportunity tapos magiging napakalaking problema sa showbiz world kung sino ang makakatambal niya. (Swerte ni Nicole, si Manny ang leading-man niya). Kung malaki ang possibility na sumikat ito, magrerelease pa ito ng album na magpa-platinum in a few weeks’ time. Mas papansinin pa ang mga ito kaysa ang mga high school students na pumunta ng
Obsessed din ang Pilipino sa nutrients. Kulang na lang pati vetsin eh lagyan ng Vitamin A, Vitamin C, Vitamin B12 at Omega-5.
Lalo pang obsessed ang Pilipino sa camera. Kapag may nakatayong video camera ang ABS-CBN sa kalsada at nandoon ang reporter, gagawin talaga ng mga tao ang lahat para makita sa camera at kakaway pa. Kakaway pa rin ang mga ito kahit may nakabulagtang patay sa kalsada o nasusunog ang mga bahay sa likod. Tapos magtetext ang mga ito, sasabihin sa kaibigan nila, “pare! Nood ka XXX sa sabado, makikita mo ako!” (Guilty.)
Kawawa din ang mga artista dito. Madapa ka lang sa mall eh nasa headline na ng diyaryo at sa TV ang pangalan mo. Tapos kapag hindi mo pinansin ang isang artista sa isang public function, conclusive presumption agad na may away kayo. Tapos matutuklasan na lang ng bayan na sinulot mo pala yung GF nung isa noong 1998.
Ang hirap bumuo ng sariling identity ang mga starting Pinoy artists. Palagi tayong may “Josh Groban of the
Philippine telenovelas are classics. If they are not based on foreign soaps or sitcoms, they are painfully predictable. When the
Ang pinaka-common na plot ng telenovela ay:
- Dalawang babae / lalaki, pinag-aawayan ang isang lalaki / babae.
- Palaging magkaaway sa umpisa yung love team or yung dalawang main characters.
- Usually mayaman sila. Kung hindi, mahirap ang isa. Basta palaging may isang mayaman.
- Kahit 15 years old lang yung star, basta bida, may sariling kotse yan.
- Palaging may nagwa-walk out.
- Kung may “twist” daw sa plot, at kung grabeng pagmamalaki ang ginawa ng producers sa twist na ito, siguradong stupid yung twist.
- Sa bandang huli, mamamatay ang tatay / nanay / kapatid / asawa / anak / alaga ng bida.
- Tapos bigla na lang matutuklasan ng buhay pala yung namatay sa #7 at may amnesia na.
Basta may patalastas ng alak, palaging may naka-bikini. Yun lang.
Yung patalastas ng roof sealant (nakalimutan ko na yung brand) na palaging pinapakita noong laban ni Pacquiao at Hatton, may babaeng nagpapacute, ala-90’s R-Rated movie. The connection? Beats me.
Early morning news have the same content: bangaan sa EDSA, bumangga sa MMDA concrete barrier, sunog, baha, nag-amok, nangholdap, then a buttload of showbiz news. Good morning.
Oh yeah, when Barbara Streisand’s dog gets a tongue piercing, expect it to be on the evening news. And that’s part of the news that they allegedly gather “sa loob ng beinte-quatro oras… saan man… sa mundo.”
At bago sila magpaalam kapag tapos na ang news, ang haba ng speech nila bago magroll ang credits. (Ito ang mga balitang nakalap sa isang araw na pakikipagsapalaran… mga balitang angkop sa pang araw-araw na buhay… upang maging kaginha-ginhawa ang inyong panonood… mag-ingat sa pagsakay ng LRT… kami ang may hawak ng katotohanan… abangan bukas ang aming muling pagbabalita…blah blah blah…)